Lubos Kang dakila. Sa Iyo lang nanginginig ang katahimikan.


Hindi ako naliligaw dahil nahanap ko na ang daan. Nanlalamig, maaari ngunit sana’y hindi magtagal. Wala akong karapatang magtanong dahil hindi ako ang Lumikha. Wala rin sa akin ang sagot, pero hindi ako takot.

Mas maigi pang kamuhian ko ang sarili ko, dahil un ang nararapat… Iyon ang tunay na ako.

Basahang marumi, mabaho at dugyot. Sino ba naman ang nagsabing importante ako? Sino ba naman ako para ikumpara sa Iyo?

Hindi ka pa lumalapit, naliliwanagan na ako. Hindi ka pa umiimik, kuntento na ako. Magic diba? Hindi, Iyan Ka talaga.  Lubos Kang dakila. Sa Iyo lang nanginginig ang katahimikan.

Pero hindi ko lubusang maisip, hindi ko maarok. Bakit? Papaano?

Papaano mo akong minahal sa kabila ng kadungisan ko. Bakit mo ako tinanggap sa kabila ng Karangalan mo?

Wag ko ng pairalin ang emosyon ko, wag ko ng gamitin ang talino ko. Walang magagawa ang mga un. Lalo lang gugulo. Kahit kailan hindi kita mapapantayan, kahit kailan hindi ko maiintindihan.

Mas maigi pang ipikit ko na lang ang mga mata ko, pintig ng pusong binago Mo, un ang pakikinggan ko.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: