Guys, wag niyong kausapin si 2011. Hindi siya nagsasalita.


Mahilig akong kumanta, Hindi ko gusto ang salitang Goodbye pero paborito ko na ngayon ang salitang Change. Alam ko na rin na domino effect ang lahat, matagal ko na palang alam.. lagi ko lang nakakalimutan.

Parang letter A sakin ang salitang sobra. Baka sabihin ng mga tao pinanganak akong kontrabida dahil mahilig akong manita ng mga maling bagay na nakikita ko. Yaan mo, madalas kong sitahin ang sarili ko.

Naiinis ako sa mga taong sinasabing Ang Bagong Taon ang simula ng pagbabago. Hindi kaya! Pero teka, hindi ako nag blog ulit ngayon para maging kontrabida na naman sa inyo.

Year-End-Blog ko to dapat, at mamarapatin ko ang na puno ito ng pagmamahal at pag-asa.

Hindi na pala Year-End-Blog kasi unang araw ng bagong taon ngayon. Sige, Year-starter-blog!

Masasabi kong marami akong natutunan noong nakaraang taon, marami din akong nakilala at kung lahat ng kaibigan ko ay may facebook, maraming madadagdag sa list ko. Hindi ko na kailangan ng kulay para i-describe ang 2010 ko. Marami ding beses akong umiyak at nag drama pero nalaman ko kung kailan ako hihinto. Maraming nakasakit sa akin, pero pinatawad ko na sila at inalisan ko na sila ng karapatan para saktan ako.

Maraming mga bagay na dapat kong ipagpasalamat sa mga nangyari sa nakaraang taon. Araw araw may mga dahilan na mas marami pa sa paghinga ko ang dapat ipagpasalamat. Pero nakakuha ako ng ideya sa kaibigan ko na imbes na gumawa ng New Year’s resolution gagawa ako ng listahan ng 10 bagay na dapat kong ipagpasalamat sa Panginoon.

 

1. Sa mga panahong gusto ko ng sumuko sa trabaho, sa mga panahong ayaw ko ng pumasok dahil nakakapagod mag english. Hindi lang mag english ang nakakapagod, ung mga taong kausap ko. Nawalan na ata ako ng Passion sa trabaho. Maraming dahilan, sa mga taong kasama sa trabaho, sa layo ng lokasyon at sa kung ano ano pa. Nagdasal lang ako na bigyan ako ng sign, love is patience. Dapat mahalin ang trabaho. Unti unting umayos ang lahat, Nobyembre, nalipat ako sa SM Fairview site. Disyembre naging Subject Matter Expert ako, at ngayon inaantay ko na lang ang resulta at kung kelan ako sasabihan na Bee, Supervisor ka na. Sabi rin sa facebook application ngayong taon daw magkakaroon ako ng bagong trabaho, pero paniguradong hindi ako maniniwala dun. Application lang kaya un.

 

2. Mas maraming pagkakataong nagkakaroon kami ng bonding time ng pamilya ko. Nakakapag devotion na rin kami sabay sabay. Mas kwela na kami ngayon at mas tahimik na ang buhay. Wala ng drama, wala ng arte.

 

3. No regrets, just love. Hindi na Circus at tumbalelong ang relasyon namin ni Christian. Maayos naman kami dati pa pero ngayong taon talaga nasubukan kung gaano kami katatatag. Hindi na pala kami ang matatatag. If God is for us then who could ever stop us? Yan na ang motto namin. Nagbago kami ng hiwalay para magbago kami ng sabay. At isa sa masayang parte nito, hindi na kami nagpapa apekto sa sinasabi ng iba. Maraming tao ang nagsasabi samin na kagalak-galak ung relasyon namin sa kanila. Parehas na kaming may goal at tamang direksyon sa buhay. Wala ng sakit, wala na.❤

 

4. Sa mga bagong taong nakilala ko ngayong taon. Maraming salamat dahil marami akong natutunan sa inyo. Hindi ko na kayo maisa-isa kasi napakarami niyo. Pero alam kong kilala niyo kung sino kayo. Marami akong natutunan at alam kong matututunan pa. Salamat sa pagsabi sakin na mali na ang nagagawa ko. Marami akong tunay na kaibigan.🙂

 

5. When the world has broken me down Your love sets me free. Hindi na ako sa mundo. Hindi na ako nakagapos sa kamalayang wala rin namang mapupuntahan. Hindi na kagiliw giliw sakin ang mga dati kong gustong kaadikan. Winasak ang puso para buuin Niya, para sa Kanya. Hindi ko pa nga lang natatapos ung tula ko para sa Kanya, pero alam ko na kung paano sisimulan.

 

6. Ang mga anak ko. Hindi literal na mga anak na living things. Mga nabibili kong gamit para sa tinatawag kong Photography ko. Akala ko wala na akong karapatang bumili ng Dslr, pero ang dami ko ng pampa-gwapo kay Pagong.

 

7. God healed my Mom from Cancer.

 

8. Our Echo Photography. Ang negosyo namin ni Christian. Kahit maliit na negosyo lang yan, masaya na ako. Naging magka trabaho kaming dalawa. Kaya kung gusto niyo magpa cover ng event or shoot. Kami na kunin niyo.

 

9. Gusto ko maging wedding photographer talaga forever ad ever. Tinupad iyon ni Andie at Eunice. December 18,2010. UP Sunken Garden nagkaroon kami ng Wedding Photoshoot. Ang konsepto “The Runaway Bride”

 

 

10. Masakit sakin ang hindi mag sulat, nakakapangulila. Pero naisip ko habang binabasa ko ung mga lumang blog entries ko ng nakaraang dalawang taon… napatunayan ko na nakakapag sulat lang ako kapag malungkot ako. O hindi? Hindi ko rin alam, sa loob ng 3 taong pagsusulat ko ngayon lang ako hindi naging sigurado sa sinabi ko. Ang labo ng pang sampu ko diba? Literally speaking, masaya ako dahil bawas na ang drama ng buhay ko kahit ang kapalit nito ay ang pangungulila sa pagsusulat.

Hindi pala ako writer, emo lang ata.😛 Ang maniwala kamuka ni Vice Ganda.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: