Nakadilat ang mga mata, sa hindi natutulog na puso.


Hindi ko alam, hindi ko rin gustong malaman.
May mga tanong kasi tayong ayaw nating malaman ang sagot.
Ayaw kasi nating sumambulat ang alam nating sasambulat.
Kaya hanggang ngayon, patuloy pa rin tayong nagtatanong.

Nasa parte ako ng buhay ko ngayon na parang elesi ang bilis ng ikot ng mga pagbabago. Hinihingal ako, pero nakukuha ko pa ring makapag pahinga. Nakakatuwang isipin, na ang mga desisyon na nagagawa ko ngayon sa aking buhay ay hindi lang para sa kapakanan ko. Ayoko na ng mga desisyong panandalian lang. Ayoko na ng mga pagkakamaling walang matutunan, aaminin ko… ganun ako dati. Mahirap piliin ang mga pagkakamaling gagawin dahil malalaman mo na lang na mali ang pinili mong kalokohan sa bandang huli. Kung saan maiiwan kang kinamumuhian ang iyong sarili.

Kilala ako bilang maingay na tao, lahat ng nararamdam ko sinasabi ko ng may yanig. Pero mas pinili kong maging mahinahon ngayon.. mas maging sakim sa nararamdaman. Mas maging pingaw sa pusong nadadarag. At aaminin ko sa inyo na inimbento ko lang ang huling pangungusap. Hindi ko alam kung may ganyang salita, kung meron man.. pahiram muna sa sarili kong bokabularyo.

Totoo nga na ang puso ay hindi pwedeng magbuga ng apoy kung ito ay nilalamig. Hindi pwedeng maghalo ang langis at tubig. At hindi tatamis kailanman ang asin sa sugat. Hahapdi at hahapdi ang mga pangyayari kung patuloy mong sasakluban ng inggit ang puso mo, ng pagkamuhi ang pagkatao mo. Huwag mong timbangin ang mga bagay dahil maari mong bitawan ang mga hindi mo kailangang hawakan. Isipin mo, kung natutunaw nga ba ang yelo o dumarami lang ang tubig nito.

Noong naranasan kong makita ng sabay ang buwan at araw, naisip kong minsan kailangang pagharapin ang magkasalungat para mas makita pa ang kagandahan ng buhay, hayaan mo may ulap na taga akap.

Panginoon, bigyan mo ako ng mapagpatawad na puso.
Doon ako tunay na magsisimula

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: