Niit: Katiting na inggit


Hi, I’m Franchesca Jinel Adolfo Franco. I’m Happy. I’m 23.

I’m into photography NOT! I’m vain.

I’m in love.  I am loved. I love me.

Tinanong ko si Christian noong isang araw kung siya ay magiging babae, matutuwa ba siya sakin o kamumuhiam ako. Tawa at ismid lang ang sinagot sakin. Hindi ko tuloy alam kung love or hate.

Pwede ko bang simulan ung pangungusap ko ng Samakatuwid ng walang pinapaglaban? Isa lang ako sa sangkatutak na babae na nakakaramdam ng inggit sa kapwa ko babae.  Normal un… binigyan tayo ng damdamin ng Diyos at binigyan din niya tayo ng tinatawag na Freewill. Desisyon mo na kung papalaguin mo ang niit na nararamdaman mo at matalo ka dahil dito. Hindi mo kailangang magparinig na sayo umiikot ang mundo, dahil sa yan ang pakiramdam ng bawat babae.

Ako si Franchesca Jinel Franco, espesyal katulad mo. Nagnanais ding matawag na maganda sa loob at sa labas. Hindi ko gustong maging Darna sa paningin niyo dahil sinabi ko to. Babae ako, babae ka rin. Ayaw ko lang na nagiging kahinaan natin ung kagandahan natin dahil inuuna pa natin ung kababawan ng sinasabi nating kapangitan. Huwag kang mainggit sa akin, at ganun din ako sayo. Samakatuwid, mahalin natin kung anong meron tayo. Mahalin natin ang pagkakaiba natin. Mahalin natin ang pagiging babae natin.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: