Nandito nga ako, pero hindi ako para dito.


Pag-Iral (Existence) (more philosophical term); pagkakaroon

Hindi mo na kailangang maging “Ghost” para maging alien ka sa mundong ito. Naisip mo na ba ung pakiramdam na ayaw mo sa lugar, pero wala kang magagawa kung hindi umanib? dahil gusto mong mabuhay. Ayaw mong sumanib, umanib kaso kailangan mo.

Rebelde nga ba ang mga tawag sa taong tumitiwalag sa “normality ng mundo”? Hindi ba pagiging praktikal ang paglaban sa “reality ng mad world”? Asan nga ba ang “Truth”?

Ano nga ba ang pagkakaiba ng:

(A) Normality (B) Reality (C) Truth

Palagi ko kasing sinasabi na ang Realidad ay iba sa Katotohanan. Hinding hindi ko un babawiin kahit putulan pa ako ng mga daliri upang di makapag sulat. Realidad ba nino? Realidad mo? Hindi ba’t iba iba tayo ng pinagdadaanan? Winasak na nga natin ang ginawa nating normality.. dahil sa alin? Dahil sa tao tayo. Ang mga ginawa, gagawin, ginagawa natin.. sa bandang huli, wawasakin natin. Dahil kahit kailan ay hindi tayo makokuntento sa mundong ito. Bound na tayong maging taga masaker ng sarili nating pangarap dahil dun tayo magaling. Ang makasakit, yan ang reality ng mundo.

Pero lagi ko rin sinasabi na kahit anong mangyari, hindi mabubura ang katotohanan. Iniisip kasi ng iba malungkot ang katotohanan, at iyon ang ilalabas nilang realidad dahil sa Mad World na tinitirhan natin. Sa Mad world na nagkukulong satin. Sa MAD WORLD na tayo rin ang gumawa ng paraan para maging Mad World. Tayo ang gumawa sa Mad World, yan ang normality. Tayo ang tumawag at sumira sa Mad World, yan ang reality.

Asan nga ba ang truth? May naglagay ba nito para hindi mabura? Ang katotohanan ay hindi tayo para sa Mad World. Hindi kailanman tayo makokuntento sa kung ano man ang pwedeng ihain ng mundong ito. Kasi hindi tayo nilikha para dito. Ako, doon ako sa truth. Pang hahawakan ko iyon hanggang sa mamatay ako.

2 Responses to “Nandito nga ako, pero hindi ako para dito.”

  1. Bee, it really depends on how you define on things. Nowadays we have “relativity of language”. For example in ancient times if you will tell someone “nice” they will get angry.. Why? Nice is from an ancient word nisctio which means negative knowledge or in other words foolishness..

    So ang comment ko.. ahahaha ewan.. antok na ko para mag isip ng malalim…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: