EAT.SLEEP.REPEAT


Hindi naman ako papayag na wala akong birthday blog.

Lagi nila akong inaasar na, 11/09 tragedy ang birthday ko pero hindi nila naisip na hindi naman talaga kasabay ng birthday ko un kasi dito sa pinas 12/09 na ang araw na iyon.

Nagsimula ung araw ko sa dasal. Ang sarap ng pakiramdam kapag madlaing araw ka nagigising tapos maliligo ka agad, gising na gising ka. Gumising na din ung tatay ko, nagulat ako kasi ipinagluto niya ako ng almusal. Nagtanong pa siya kung gusto ko daw ba ng baon at ipagluluto niya ako. Tumanggi ako kasi baka “on-the-dot” na naman ung dating ko sa opisina. Ugali ko ng huminga ng malalim habang tumitingin sa kulay kahel na may pagka indigong langit kapag umaga.

Naglalakad pa lang ako sa opisina, sinisigaw na ng Team Jeff na kaarawan ko at umulan ng pabati. Ngiti ako ng ngiti noong umaga un. Paubos na rin ung baterya ng telepono ko kasi alas dose pa lang ng madlaing araw madami na bumabati. Tumawag pa si Vanessa Quaimbao sa akin para patawanin ako. Normal na araw, nag english ako sa Avaya. Lunch time madami akong kasabay, pinag dasal din ako ni Gianne Ramos (ang Mommy ng Team Jeff). Ngiti lang ako ng ngiti. “Magaan ang araw na ito” sa palagay ko.

Natapos ang walong oras na pang eenglish ko. Nagmamadali din akong umalis sa opisina dahil sa sms ni Tom Manansala na kitain ko daw sila sa Trinoma. Pagdating ko dun, sigaw sila ng sigaw ng “Happy Birthday, Bee” Tapos may nakita akong isang karton na puso donut ang alam. Alam ni Tom na ung donut lang na un ang kinakain kong matamis ng walang kasawa sawa.

Masaya ako, masaya kami habang palibot libot sa nasabing mall. Alam naman nila na mababaw lang kaligayahan ko. Nakatanggap ako ng tawag sa kapatid ko, kinikilig nakita daw niya si Romnick Sarmiento sa SMNorth. Alas-singko ng hapon kami nagpasya na umuwi na at may mga pasok pa sila bukas.  Alas-sais ako nakauwe, sinundo ako ni Christian Cristobal sa Bayan. Nagyayaya siya mag Crepes kami kaso may dinner sa bahay kaya umuwi na lang kami. Isa siya sa atat na bumati sakin. Kaya may pirasong space siya dyan sa matatawag kong Collage ng 11-09-10 ko. Nanood nga pala kami ng movie pagkatapos ng dinner.

Biruin mo 23 years old na ako. Masaya ako kasi hindi ako natulad sa mga kabataang babae na nabubuntis na walang asawa. Aminin na natin, mahirap malagpasan ung stage ng “Delicades-sa-buntisan” lalo na sa panahon ngayon. Masaya ako dahil hindi na ako nanghihingi sa Nanay ko ng pera, bawas na ako sa budget niya.  Masaya ako dahil nakakanta ko pa rin ung Power of Two na tinaasan ung tono. Masaya ako kasi lalong nadadagdagan ang mga tunya kong kaibigan, at pamilya ko sila. Masaya ako kasi maraming dahilan kung bakit ako dapat maging masaya at nakikita ko iyon.

Tinapos ko nga pala ang gabi ko ng dasal.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: