LOVELETTER: Isang taon in the making.


Ika-09 ng Setyembre 2009

Kamusta ka na? Matagal na rin tayong hindi nag-uusap, nagkikita madalas pero poker face lang ang batian natin. Napansin ko din kasi na palagi kang nagmamadali, nagtataka tuloy ako kung robot ka na at hindi ka napapagod. May hinahabol ka ba? pakiramdam ko naman mas gusto mong ang slow paced na buhay na dati mong pinagdaraanan.
Ano na ba ang bago sa iyo? Sabi nga diba dapat kung tatanungin ka ng kamusta ka ang sagot dapat ay “eto mas mabuti na” pero bakit ganun? Uso pa rin ang salitang “Ok lang”.Naalala ko nga dati takot ka sa pagbabago, minsan naisip mo rin na walang nagbabago kahit lumipas ang panahon.. Walang nagbabago dahil hindi mo dinidilat ang mata mo. Nakakatuwa nga kasi akala mo wala talagang nagbabago, un pala ikaw na lang ang naiiwan. Lahat sila nag-iba na, ikaw na lang ang nakakulong pa rin sa mundo na ginawa mo.

Alam mo ba marami akong gustong ikwento sa iyo, mga nangyayari sa akin araw-araw. May magaganda tapos may nakakainis at kahit kelan hindi mawawala ung nakakapanghina ng loob at nakakaiyak. Sabi ko nga kulang ang isang araw para lang magkwentuhan tayo. Ganun kita namiss, sana ako rin namiss mo. Sana…

Kapag may oras ka sabihan mo ako ha? Para mapaghandaan natin. Kahit saglit na oras lang, makadaupang palad lang kita. Ma-update mo lang ako kahit sa mga maliliit na detalye lang ng bagong buhay mo ngayon. Makikinig lang ako, hahayaan kong ikaw ang maging bida.

Hanggang dito na lang muna, mas mabuti kasi ung pag-iisipan ng maka-ilang ulit bago ihatag. Parang sa gera, para panalo ang battlecry.

Ika-08 ng Setyembre 2009

Isang araw bago mag isang taon na pala ang nakalipas. Tinago ko sayo ang sulat dahil gusto ko itong tapusin pero habang sinusulat ko, habang iiisip ko na may sulat ako… mas nahihirapan akong tapusin.

Pinagmasdan na lang kita mula sa malayo. Nakikita kita pero hindi mo namamalayan na ramdam na ramdam ko parin kung ano ang kinakatakutan mo. Kung ano ang nakakapag pakirot ng puso mo. Kung ano ang ibig sabihin ng Masaya sayo, kahit hindi mo aminin.

Binalak na kitang kausapin noon, biruin mo isang taon. Pero ang pinanghawakan ko ay “Bigyan mo ako ng oras’. Sa di ko mapaliwanag na dahilan, isang taon ko ring binabasa ang nakatenggang sulat. Sinubukan ko ilathala, pero mas pinili ko ang manahimik. Sa tingin ko, lahat ng mga tanong sa nasabing sulat, masasagot ko na. Kahit hindi galing mula sa iyo. Kilala na ulit kita, hindi na ulit kita hahayaang masaktan tulad ng nagawa kong pagpapabaya. Sa pamamagitan lang ng pakikinig, kahit hindi na magsalita. Dahil ang pusong nakikinig ay hindi kailangan ng mga salitang may tunog, ang kailangan nito ay ang kalagitnaan ng bukang liwayway at dapit hapon. Ang pagitan ng ulan at araw.

Totoo nga ang ang pinaka mahabang pisi ay hindi nagmumula sa saranggola at sa nagpapalipad nito. Ang pinaka mahirap pagdugtungin ay ang pisi na humahawak sa puso at utak.

Malayo na ang narating mo, babalik ka pa ba? Huwag na lang mas malayo pa mararating nito.

4 Responses to “LOVELETTER: Isang taon in the making.”

  1. batangbughaw Says:

    Malayo na ang narating mo, babalik ka pa ba?

    HINDING HINDI NA!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: