Ako si Madonna at ito ang aking love story.


Kung sisimulan ko kayong pakiligin sa unang pangungusap pa lamang, mawawala ang misteryo.

Walang perpektong relasyon, ka-relasyon. Noong simula pa lang basehan ko na yan. Hindi ako kuntento minsan dahil para lang kaming nasa chubibo na paikot ikot. Walang kanto, walang tigil, nakakapagod, nakakagigil.

Sa pitong taong pagkakakilanlan ko sa kanya, dati akala ko kabisado ko na siya. Doon ako nagsimulang magkaroon ng pagnanais na saklawan ang buhay niya, kasama ng salitang “Hidi niya ako kayang saktan, dahil hindi niya akong kayang mawala” Dumaan kami sa stage ng “Palaging-Magkasama-kilig-days”. Walang araw na hindi niya ako nakakalimutang sabihan ng “The Magic Word” na alam naman natin kung ano. Masaya, siya ang ibig sabihin ng Kasiyahan. Buong mundo ko umiikot na sa kanya, sa kanya lang. Akala ko un ang tunay na Pag-Ibig. Malusog na Pag-Ibig…

Kahit anong iwas, kung mangyayari.. matutupad. Kahit anong tama, kung sa maling oras.. mawawala.

Pinasok ko kasi sa utak ko na hindi niya ako kayang saktan, un ang pagkakamali ko. Nakabisado ko kasi ang mga sinabi niyang pangako na hanggang sa araw na iyon ay ayaw kong bitawan. Nagising na lang ako nang hindi ko na siya kilala. Alam kong boses niya un, pero hindi ko na siya marinig. Napatid na ang pisi na nagdudugtong sa  amin, sa tingin ko.  Hindi na to pagod, wala na itong malay.

Dito na pumasok ang katanungan at pagkamuhi. Dito na nagsimula ang kasinungalingan. Dito na ako sumuko, dito na siya bumitaw.

………………

Ayaw kong mawala ang lahat, pero anong magagawa ko kung pati ang mga mata kong bukas ay walang nakikita. Pati ang puso ko ay natutulog na.

Saktong pagkawala namin, ay pagsabog ng katotohanan. Dahil kahit anong kasinungalingan ang ihain mo, lilitaw parin ang katotohanan at hindi ito mawawala. Katotohanan na, hindi namin talaga alam ang tunay na ibig sabihin ng Pag-Ibig, dahil binabalewala namin ang Pag-Ibig na binibigay samin ng Diyos.

Bibitaw ako, dahil ayaw kong mahila niya pababa. Hahanapin niya ang sinimulan niya dahil pakiramdam ko’y katapusan na niya.

Paboritong kanta ko ung “Rainbow” ng South Border. Sabi kasi dun, “There’s a rainbow always after the rain.”

Nangyari ang lahat ng nangyari para matuto kaming dalawa, hindi lang para saktan kami. Para matutunan namin ang tunay na ibig sabihin ng Pag-Ibig. (1 Corinthians 13:4-7) Para magising kami sa katotohanan na dapat naming alagaan ang mga puso namin bilang indibidwal. (Proverbs 4:23) Para mabalot kami sa Pag-Ibig ng Diyos para mapadama namin sa isa’t isa kung paano ba dapat magmahal.

“Biloy, I’m am already walking with God. Wag ka ng matakot. Kasama ko siya, walang dapat ikatakot” -Pag-Ibig

Iba kapag nasa sentro ng relasyon niyo ang Diyos, wala na akong mahihiling pa. May mga maling bagay kaming nagagawa dati na ngayon ay wala na, dahil ay tunay na Pag-Ibig ay naghihintay.  May mga kasinungalingan kaming nasasambit dati na ngayon ay natigil na, dahil ay Pag ibig ay nagsasaya sa katotohanan. At hindi kami susuko dahil ang Pag-Ibig ay hindi natatalo. Alam kong hindi kami pang habang buhay pero may habang buhay kaming dalawa na magkasama sa Kanya. Mahal ko Christian Bruce Cristobal bilang Nobyo, Kapatid sa Panginoon at Kaibigan.

Maligayang Ika-73 na buwan sa amin.❤

5 Responses to “Ako si Madonna at ito ang aking love story.”

  1. kagandahang tunay!!! stay inlove friend🙂 kaiinggit talaga kayo🙂

  2. 🙂 Congrats congrats! PTL! ^_^
    You two are such a wonderful example of what true Love can do to a young couple🙂
    God Bless ngarud!😉

    • Thanks Arjhay🙂
      Super thanks, goal namin un love na may standard. hindi standard namin kundi ni God. PTL? di ko na gets.😐

  3. (Eto na yung comment.. HAHA)

    KILIG AKO. :)))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: