Maging tinta sa sarili kong pluma


Isang minutong nagmistulang tayutay ang hangin. Pangarap.
Panaginip, dawalang balangkas na sumabog sa natutulog na diwa.
Bangungot.

Ugali kong simulan ang mga pangungusap ko ng pabalang, Ugali kong pagtabihin ang oras sa mga galaw. Ginagawa kong mag-asawa ang Buwan at Araw. Nilalatag ko ang mga ideyang salungat sa nakasanayan na, hinahayaan kong kainin ng tuldok ang mga salita.Inaangkin ko ang mga idyoma kahit hindi ito sa akin.

Pagkukubli, siguro isa ito sa mga paborito kong estado. Pagkamuhi, iniiwasan ko ito. Pag-iisa… mabigat kong kalaban.

Ang pagsusulat daw ay isang sining. At sinasabi nila na ang sining ay depende sa kung sino ang tumitingin. Binigyan ko ng tuldok, pasado. Binigyan ko ng nobela, tinanggal ng hurado.

Literal na may nagkakalad na alpabeto sa harap ng kaisipan ko, hirap habulin, ang hirap gawing sakin. Parang kapag may bagay akong ninanais, ayaw kong makuha agad. Kasi darating ang panahon na hindi ko mapapansin na kinukuha na pala ng iba sa akin. Paghihirap kadugtong ng Pagpupunyagi. Pagpapakumbaba kamag anak ng tagumpay.

Siguro nga isa lang ang kulang. Siguro nga isa lang ang dahilan, kung bakit wala akong masimulan. Wala akong matapos. Kung bakit di ko mapag dikit ang letrang A at letrang Z. Kung bakit hindi ko alam ang tagalog ng antidote. Kung bakit nangungulila ako sa sarili kong akda. Wala akong inspirasyon, walang disposisyon.

7 Responses to “Maging tinta sa sarili kong pluma”

  1. Keira Milambiling Says:

    Ngayon ka lang gumawa?

  2. Keira Milambiling Says:

    ah. ang galing mo naman🙂

  3. walang kupas ka pa din iska. good thing you start to write again, i miss reading your poems. nakakamiss magbasa ng tagalog poems. sayo lang ako nakakakita ng salitang malalim. hands down ako sayo.

    • Maraming salamat Bang, napaka humble mo talaga.🙂 Namiss ko na talaga magsulat kasio nahihiya ako… parang nagsisimula ako ulit. oo tagalog poems tagalog lang.🙂 alam mo naman paborito kong ulam ang tagalog. Mahal kita :*

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: