Atake ng 1:57


Paano kung ang simula ng araw ay kalagitnaan ng gabi?

Good evening ang simulang bati?

Kung kilala niyo ako, malamang kabisado niyo na ang istilo ko. Mahilig ako sa retorika. Hindi literal na retorika. Tulad niyan, bininigyan ko ng sarili kong ibig sabihin ang mga binibitawan kong mga salita. Hindi naman ako nagsusulat para sabihan ng “magaling”, nagsusulat ako dahil may gusto akong maging sandata. Sandata, para sa mga araw na hindi ko naiintindihan pati ang sarili ko. Pero hindi ung tipong nasa ilalim ng pulang bubong.

Malalim na mababaw, siguro nga isa yan sa mga dahilan kung bakit ayaw ko kay Paulo C. Ako lang nakakaintindi ng mga inaarok ko. Pero minsan may nagsasabi naman sakin na “I feel you, Iska. Meron pa ngang nakapagsabi sakin ng ganito: Bawat tuldok, ramdam ko ang gusto mong sabihin” Meron din nagbigay ng opinyon na magpalimbang ako ng sarili kong libro. Masasabi kong panagarp ko un, kaso naisip ko na baka meron lang akong mga humble friends. Meron nga pala akong notebook, hindi listahan ng pinagkaka-utangan ko kung hindi listahan ng mga pangungusap na to be continued. Mahilig nga kasi akong magtahi ng mga tayutay. Ideyang malalim, pero kapag napaisip ka wala rin namang laman. Kung may bagay akong ipaglalaban hanggang sa susunod na sampung taon, yan ay pagsusulat.

Pinili kong maging tagalog ang blog kong ito:

1. Pinoy ako

2. Walong oras lang ang timeframe ng english ko, saktong walong oras ang trabaho ko.

3. Mas brutal ang tagalog ko, mas matalim sa english ko.

4. Pauso ko lang yang mga dahilan na yan.

5. Sa myspace lang kasi ako nag-eenglish.

2:08

Ilang minuto un? Siyam?  Ilang segundo? Mahina ako sa Math.

Tulad ng sinasabing “Di porket may SLR ka, may mga picture ka ng kalikasan o kung ano man ay Photographer ka na”

“Di porket may blog ka, nagsusulat, gumagawa ng tula ay Makata ka”

Susubukan ko, susubukin kita.

4 Responses to “Atake ng 1:57”

  1. Canada boy Says:

    What you are using is not a keyboard or a pen. In your hands it’s a gun. Fonts and inks are flying around like bullets pointed to every man’s heart. Hit or miss it really doesn’t matter. As long as you tell that world what you feel and what they need to know.

    • or should i say Casimiro boy?
      that’s really what i want… to tall the http://www.com world how i really feel. Nagawa ko na un.
      >>> “what they need to know.” i need to connect with them,
      parang kapag walang bata.. walang eat bulaga
      Thanks Budoy, iuwi mo si lights for me.

  2. euniceeureka Says:

    Napakalalim ng iyong tinuran. Pakiss! :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: