Yashica

Posted in Mula sa aking hypothalamus. Sinubukang kong maging manunulat on November 30, 2014 by Ang blogger daw na si Iska

Bibigyan kita ng oras, pangako.

IMG_4145.JPG

Ilaw, pulang kolorete, Matang nangungusap

Posted in Ayaw kong mag kwento, Pwede bang litrato na lang? on November 26, 2014 by Ang blogger daw na si Iska

dae 402

dae 436

dae 303

dae 397

dae 376

dae 426

dae 335

 

On Photo: Sunday Arenas

(c)

alaala I

Posted in Ayaw kong mag kwento, Pwede bang litrato na lang?, Food trip, Gala Trip, At kung ano ano pang trip on November 26, 2014 by Ang blogger daw na si Iska

13

 

12

11

 

10

9

8

7

6

5

4

3

2

 

1

IV

Posted in Ayaw kong mag kwento, Pwede bang litrato na lang? on November 26, 2014 by Ang blogger daw na si Iska

18

10

11

Saan kaya nainlab si Anthony kay Mace? Sa Airport ba? Sa Baguio o Sagada? (My take on “That thing called Tadhana”)

Posted in Musika at Pelikula on November 26, 2014 by Ang blogger daw na si Iska

10698613_1522703444652639_108401106003542793_n

Akala ko iiyak ako sa “That thing called Tadhana” pero hindi. Kahit ni isang patak ng luha galing sa mata ko wala.

Walang problema sa pelikula, at lalo namang walang problema sa akin. Pero bakit hindi ako naiyak? Ako lang ba ang hindi naiyak? Manhid ba ako? Korni ba ung pelikula?

Isang bagay na maganda sa panonood ng mga pelikula, kahit hindi ikaw ung direktor o scriptwriter o kahit hindi ka kabilang sa production bibigyan ka nila ng pagkakataon para angkinin ang kanilang likha at yakapin iyon sa pamamagitan ng kumot ng iyong sariling konsepto. Para ano? Kasi doon tayo “nakakarelate” Sa maliit na parte ng ating utak at malaking parte ng ating puso, doon natin bigla maiisip na.. “emerghed akin tong storyang ito, ito ang realidad para sa akin” “paano nila nalaman na ito ung storya ng drama ng buhay ko?” 

Iba ang epekto ng pelikula na ito sa akin. 

Unahin natin ung konsepto, unang labas pa lang ata ng kakapirangot na script sa facebook page ng tadhana napukaw na ung atensyon ko..

16705_1484270308495953_8048844507479837129_n

Bakit nila sinasama si Fitzgerald? Sino si Mace? Bakit siya umiiyak habang nakangiti? Mahirap iyon ah.  Dumagdag pa sa dahilan kung bakit ako nahiwagaan sa proyekto na ito  sa kadahilanang, dalawa lang sila sa buong rolyo ng pelikula, mala- before sunset ba ito?

Paano kaya nila lalaruin ang salitang Tadhana nang hindi nila bibigyan ng pekeng pag asa ang mga manonood? Paano nila hihimayin ang mga bagay na naka konekta sa salitang tadhana na hindi baduy ang dating. Ang daming tanong sa isip ko noon, kailangan ko talaga tong mapanood, iyon ang sabi ko sa sarili ko.

Pagpasok ko sa sinehan, naghanap na agad ako ng mga matitibay na babae na manonood mag isa. Hindi ako nabigo, nakakita ako ng lagpas sa lima. Siguro, mas may feels daw pag mag isa mong papanoorin.

10620732_1500299386893045_5131930859674761528_n

Nakakatuwang isipin na saktong sakto ang buong konsepto ng tadhana sa gusto nilang makuha ng mga manonood. Benta ang pelikulang to sa mga taong mahilig makipag usap sa mga istrangers na may itsura, sa mga mahilig umiyak sa kalye nang hindi nahihiya, sa mahilig gumala, sa mga mahilig tumakas sa realidad para mabawasan ang sakit, sa mga taong totoo at hindi nahihiyang sabihin ang nasa saloobin, sa mga taong nagmahal at naiwan, sa mga taong nagmamahal at hindi natatakot magmahal, sa mga taong mahilig gumala ng hindi natatakot magdala ng dalawang maleta at buhatin sa buong kurso ng paglalakbay, sa mga taong mahilig makipag kwentuhan tungkol sa mga bagay na hindi mo inaakalang konektado sa lalim ng buhay, sa mga taong nahihirapan mag move on, sa mga taong tinatawag ng Sagada, sa mga taong ayaw mag move on, sa mga taong napapangiti kahit sobrang sakit na ng pinagdadaanan.

Hindi ko ikekwento ang buong storya ng tadhana dahil umaasa akong ipapalabas ito nationwide.

1538800_1517936958462621_7261972488398303753_n

1506828_1524482524474731_1934349342219862413_n

Gumala sila Mace at Anthony na parang mga normal na tao. Ang ideya na si Mace ang palaging malapit sa bintana, nagpapakita na si Mace ay isang normal na babae na tulad ng karamihan na gustong maprotektahan at gustong malunod ang mata sa makikita sa byahe. Nagustuhan ko din ang bawat frame sa bawat eksena lalo na ung kitang kita ung ganda ng mukha ni Mace at ang ideya na kahit may double chin ang babae maari pa rin itong maging maganda. Ang karakter ng dalawang bida sa pelikula na ito ay parang pinaka masarap na luto ng adobo na natikman ko, halos lahat ng pinoy alam ang adobo, lahat makakarelate sa mga karakter nila… at sila ang pinaka saktong karakter para sa ganitong pelikula. Iyong paraan ng pagpapakita ni Anthony ng respeto at alaga kay Mace, panalo. May mga usapan sila na si Anthony makikinig lang, nakikinig lang. Alam na alam ni Anthony kung kailan siya magsasalita, kailangan niya papatawanin si Mace, kailangan siya tatahimik, kailangan niya babarahin si Mace, kailangan niya sasakyan si Mace sa mga trip nito sa buhay. Sumangayon lang siya sa pagpunta sa resto para kumain, tumambay para mag usap, mag karaoke, pumunta ng baguio, sagada (Kahit na Ideya ni Anthony ang pumunta ng Sagada)

“Bakit, kapag sinabi ba niya kung bakit, may magbabago? Ang bottomline, hindi ka niya mahal.” – Anthony

Si Anthony ang naging realidad ni Mace habang nahihirapan siyang harapin ito. Tayo kasing mga babae mahilig tayo sa tanong na bakit… dahil doon natin naiintindihan ang mga bagay. Pero ang mga lalaki mas matapang sila tumingin sa realidad pag dating sa pag-ibig. Ito ung isa sa mga pambara ni Anthony na nagustuhan ko. Tama nga naman.

“Alam mo yung sabi nila na “Kapag kayo, kayo talaga.” Ta***na, nakaka-g**o yun. Bakit ko iaasa ‘yon sa isang bagay na hindi ko naman nakikita? Kung mahal mo, ipaglaban mo. Habulin mo. Gawin mong lahat para bumalik siya sa’yo.” – Mace

Isa sa mga nagustuhan ko sa pelikula ay ung pagka hilaw at hinog ng mga palitan nila ng salita. Hindi masyadong malalim, pero hindi mababaw. Nakakagising ng dugo, may marerealize ka.

Ito ung mga eksena na nakikinig lang si Anthony. Akala natin minsan ang mga lalaki hindi talaga sila nakikinig sa pamamagitan ng puso. Pero natuwa ako dahil itong linyang ito ang ginamit ni Anthony para gawin niya ang kung ano ba talagang gusto niyang gawin. Kahit na si Mace ang problemado, natututo padin si Anthony sa kanya. Ipinapakita ng pelikula na ito na, lahat ng mga taong makakasalamuha natin maeron tayong matututunan. Kailangan lang natin alamin kung ano iyon.

10675664_1509969422592708_7075744531958955485_n

Humingi ng tulong ang Tadhana para sa kantang “Where do broken hearts go?” Isa rin iyon sa mga dahilan kung bakit ako naintriga sa pelikulang ito. Gusto kong makita ang eksena na iyon, bakit kailangan talaga iyon sa konsepto ng tadhana. Hindi ako nabigo, hindi nila ako binigo. Kailangan talaga ng eksena na iyon… mas naintindihan ko kung ano ang pinagdadaanan ni Mace at kung anong klaseng tao si Anthony.

10552484_1501575793432071_3219583141367713578_n

Baguio at Sagada… bakit doon pa? Bakit sa lugar pa na iyon? Para sa akin ba ang pelikulang ito? At dahil doon isa sa mga inabangan ko sa Tadhana ay ang mga eksena sa Baguio at Sagada.

Wala lang akong makita na eksena na naglalakad sila sa session road. Pero ung isang eksena na tinanong ni Mace si Anthony kung maganda ba siya… sinagot siya ni Anthony na “Hindi naman ako sasama sayo kung hindi ka Chix” Magandang banat iyon, sir.

10801603_1521870344735949_2159278760825023500_n

10702032_1505865583003092_4362644209480850928_n

aceea9b4e

Maraming magagandang eksena sa tadhana, pero ang pinaka nagustuhan ko iyong nasa sea of clouds na sila sa Sagada. Naramdaman ko na parehas kami ng pinagdaanan ni Mace, mas naintindihan ko siya… gusto na niyang sumaya dahil isa sa mga malulungkot na bagay sa pag-ibig ay ang pagiging matapang. Isa si Mace sa mga matatapang na babae na nakilala ko. Malungkot nga pero pag-ibig iyon eh, Iyon ung nagustuhan ko kay Mace, gagawin niya ang lahat sa larangan ng pag-ibig.

Gusto niyang mag move on pero hindi niya alam kung saan at paano magsisimula.

angelica

Sumisigaw si Mace sa harap ng sea of clouds, hinayaan lang siya ni Anthony na mapagod kakasigaw. Doon sa eksena walang tunog pero mababasa mo ung sinasabi ni Mace, may sinabi siya doon na “Ayaw ko na”  naisip ko bigla na oo nga kung ayaw mo na, gumawa ka ng paraan. Si Mace gumagawa ng paraan doon sa eksena na iyon. Para makapag move on ka (hindi lang sa larangan ng pag-ibig) kailangan mong tanggapin ang katotohanan. At iyong eksena na iyon ang nakitaan ko ng katotohanan ni Mace.

Sa totoo lang, naghahanap ako ng screen cap ng eksena na iyon pero wala akong makita. Itong litrato na ito ay kuha ko sa instgram account ni Angelica. Kasama ito sa eksena, ito iyong ideya na may mangyayaring maganda sa isang sitwasyon na akala mo hindi mo na makakayang tanggapin dahil sa hirap na dapat mong pagdaanan, ito ung eksena na may ngiti sa bawat iyak, may haharapin kang pag-asa dahil naging matapang ka. Ito rin siguro ang dahilan kung bakit nanalo si Angelica bilang Best Actress. Hindi ko lang alam ah.

Hindi ang eksena iyon ang katapusan ng Tadhana. Hindi ko nga ikekwento diba? Kailangan mong mapanood.

Nilaro nila ang Tadhana ng may halong realidad. Sa bawat pag asa na binibigay ng tadhana nila Mace at Anthony may kurot ng realidad ng kahapon. Pero ang maganda doon, nasa iyo ang desisyon. Kung hahayaan mo na lang ba mag lumpasay dahil sa pait ng karanasan o kung haharapin mo ito ng buong tapang dahil naniniwala kang may pag asa pa.

That-Thing-Called-Tadhana-3

“To the great people we will be.” – Mace

Salamat sa bumubuo ng napakagandang proyekto na ito. Madami akong napansin, natutunan at hindi ako umiyak. Hindi ako umiyak na may ebidensya sa ibang tao. Hindi mo naman kailangan ng luha para umiyak. At isa iyon sa mga magagandang bagay sa mundo, ang umiyak ng walang luha dahil hindi lang mata ang umiiyak.

5/5 ang tadhana at sana maipalabas ito Nationwide.

PS

Ang mga imahe ay nakuha ko sa facebook page ng tadhana https://www.facebook.com/thingcalledtadhana

May nabasa kasi ako sa newsfeed ko na, I love you, you are mine. Nainis ako ng kaunti.

Posted in Mula sa aking hypothalamus. Sinubukang kong maging manunulat on November 24, 2014 by Ang blogger daw na si Iska

Ang pagibig ay hindi nagkukulong, hindi magkukulong
dahil ito ay malaya, ito ay patuloy na magpapalaya

Ang pag ibig ay isang misteryo na habang inaalam mo lalo kang naguguluhan.

Naguguluhan pero may kapayapaan. Payapa, tulad ng tuldok sa dulo ng pangungusap ng isang makata.

Ang pag ibig ay parang libro na sa pagbuklat mo ng bawat pahina naglalaban ang ideya na kung itutuloy mo pa bang basahin o damhin mo na lang ang mga nabasa mo na. May kaunting takot, hindi ka sigurado sa maaring kahihinatnan pero  sigurado ka na kaya mong gawin iyon dahil ikaw ay umiibig. Hindi sa pamamagitan ng pangunguna ng iyong puso kung hindi paghanap ng tamang balanseng pag gamit ng utak at puso. Alam mo kung kailan iiyak at kailan tatahan kahit na hindi mo alam kung kailan ka masasaktan.

…ang pag-ibig ay masakit, maari kang magdusa, mahirapan. Pero ang pait na ito ay may tamis na kaagapay para maniwala ka pang may pag-asa.

Hindi mo mahahanap ang pag-ibig sa mga maling lugar, ni hindi mo nga ito maaring hanapin dahil hindi naman ito nawawala. Sa katunayan, ang pag-ibig ang naghahanap sayo. Maaaring nahanap ka na, nag hihintay lang… masasabi kong ang pag-ibig ay marunong mang hintay, alam niya kung kailan siya hihindi at kailangan siya papayag. Alam niya kung kailan mas maiging tumahimik kesa mag ingay. Alam niya kung kailan lalaban at kung kailan hihingi ng kaagapay.

Ang mga katagang “Mahal kita, akin ka lang” ay isa sa mga napaka makasariling kataga na naimbento natin dahil sa takot nating hindi makuha ang gusto natin. Kung ikaw ako, hindi ko yan sasabihin. Hindi yan malambing, ni walang bakas ng pag ibig ang mga salitang iyan. Bakit? Ano ang alam ko?

Hindi ka gamit, walang pwedeng umagkin sayo dahil sarili mo nga ay hindi mo pag aari. Hindi ka pwedeng angkinin ng isang nilalalang dahil hindi ka nabibili. Mga nabibili lang ba ang naangkin? Hindi. Pero hindi ka maaring angkinin at hindi ka
kayang bilhin.

Ang pag-ibig ay hindi pag aari. Walang nag mamay ari sa iyo.

aaaa

Desisyon mong magmahal, may mahalin. Walang mag uudyok sayo, walang pipigil sayo. Intindihin mo lang ang ibig sabihin ng pag-ibig. Intindihin mo lang. Hindi mo aalamin lang, iintindihin mo.

Ang pag ibig ay parang mapupungay mong mga mata

Hindi humihinto, laging nabibigla.

Nabibigla pero handa, maaring kumurap pero hindi nanghihina.

Please don’t sell out

Posted in Ayaw kong mag kwento, Pwede bang litrato na lang? on November 24, 2014 by Ang blogger daw na si Iska

ayin 019

ayin 063

ayin 099

ayin 121

Boot The Door And Shout Through The Crack

Boot the door and shout through the crack

Pinoy Rebyu

Pinoy films through Pinoy lenses

aysabaw

sabaw man ay nagkakalaman din

Notes from Moon

“We all shine on...like the moon and the stars and the sun. We all shine on..." ~John Lennon

JDC Point of View

Personal Blog ni JDC

This Portrait in Gray

poetry, photography, rantings and ravings

Ewan ko!

Opinyon ko atbp..

Every Single Drop from my Lightbulb

JH's brain burps, and all.

akosikulai

beyond bounds . . . great responsibility.

Bipolar

simpleng bagay na mahirap intindihin.

Joem Aldea

You Dream it. We make it happen.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 81 other followers